M.U

Magulong Usapan/Malanding Ugnayan.

  • Eto yung wala kayong assurance sa isa’t isa
  • Eto yung pwede kang magselos pero bawal kang magreklamo
  • Eto yung mahal mo sya pero complicated
  • Eto yung gusto mong magbawal pero bawal maging controlling
  • Eto yung kahit anong oras pwede syang mawala sa’yo
  • Eto yung wala kang pinanghahawakan
  • Eto yung the two of you are acting like a couple pero hindi kayo couple
  • Eto yung malaya ka pading lumandi
  • Eto yung araw araw kayong magkatext kahit di kayo
  • Eto yung bawal kang maging possessive kasi di pwede

Higit sa lahat eto yung relasyon na para sa dalawang taong takot. Takot sa paraang sila lang dalawa ang nakakaalam. Posibleng takot magbago ang lahat, takot masaktan, takot mahiwalayan, takot maiwan, takot sa commitment at marami  pang iba. Eto yung isa sa pinaka kumplikadong sitwasyon. Kasi wala kang magagawa, wala kang power o karapatan na umarte bilang isang girlfriend o boyfriend, kasi nga HINDI KAYO. More like kayo yung dalawang nagmamahalang maaring sa isang iglap ay pwedeng maglaho parang bula. Di kailangan ng explanation o kahit ano pang closure, dahil una sa lahat walang dapat i-close, kasi nga uulitin ko, HINDI KAYO. Hindi ako against sa gantong klase ng relasyon. Pero isipin din natin, hindi ba’t masarap yung may pinanghahawakan ka. Yung alam mong sayo, hindi yung parang araw araw e natatakot ka baka bukas o di kaya maya maya e wala na sya sa tabi mo. But, whatever it is. As long as you can show to that person how much you love him/her, title is not important. Affection and love is.

  1. aegyopau reblogged this from dheelisyosa
  2. shairadominiquemagarro reblogged this from dheelisyosa
  3. currerbell reblogged this from dheelisyosa
  4. spoiledbitchacho reblogged this from dheelisyosa
  5. dheelisyosa posted this